napakatagal na panahon na ang nakalipas bago ulit ako nakapag blog, sem break pa ata yung huli eh. parating na lang natatabunan ng planong mag blog kesa gawin ito.. nasobrahan sa pagpaplano na nauwi din sa wala
anyweys kakaumpisa pa lang ng second sem, may bagsak kaya medyo hirap ding mag ayus ng sched. maglilipat tapos magkakaconflict tapos lipat ulit. ayus lang atleast na experience ko yung mag ayus ng sariling sched at hindi na lang umaasa sa mga posted na schedules ng registrar na gawain nung block setion pa. ngayon ko lang napansin dahil sa pinapansin sa akin ng ibang mga katoto na 3rd eh gabi ang uwian at ang mga lower years maaga. hmmmm siguro preparation na to para sa future kung magiging night hift ang trabaho.
nung sembreak wala akong ginawa kung hindi mag pataba dito sa bahay, kain-tulog, nuod ng tv, laro ng pc, labas ng bahay at pumasok ulit sa bahay. yan lang gawain ko, isama mo na rin yung mga gawaing bahay na akong gumagawa.
matagal akong tumengga, walang ginagawa, walang gaanong iniisip, walang gaanong pressure. nasa bahay lang ako at walang ginagawa. ok lang masarap yung feeling na wala kang pananagutan sa kahit anong nasa paligid mo. pero ngayong balik nanaman sa dating gawa, balik pressure at balik pag aaral ngayong sem eh
siguro kailangang baguhin ang mga bagay bagay
mga bagay na mga ok lang sa akin noon
mga bagay na hindi siguro maeexplain ng mga tao
mga bagay na kailangang subukan dahil wala namang mawawala
sa mga bagay na matagal ng wala.
hindi na ako fluent mag blog, kung siguro sa sipag eh "maisipan" na lang
may mga taong user, taong totoo, may mga parang totoo. may tamad, masipag, mapagbiro, mapanumbat, may tahimik, may seryoso, may maingay. halu halo ang tao ngayon na kailangang iwasan o pakisamahan. hindi mo kailangang magblend para mapansin hindi mo rin kailangang mahiwalay na parang loner. moderation lang... parang liquor, drink moderately.
hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari ngayong sem... hindi na kailangang isipin dahil may posibilidad na mabiso lang...
hmmmm.
noong lumang panahon, may nakakapansin kahit na hindi mo ipakita... kahit hanggang ngayon, ganun pa rin sila
pero sa makabagong panahon, kahit na anong ipakita mo, pilit ka paring hindi papansinin.
in short... mas nakakapanloko ang kapanahunan ngayon kesa dati...
No comments:
Post a Comment