ngayong week? besides natapos ko ang braintwister na binili namin nung sabado ng 2 upuan lng at natapos ko ang ABNKKBSNKo, wala naman espesyal, parang katulad lng nung last week... malamang parin ang walang pasok sa may pasok so parang lugi nanaman ang mga estudyanteng nagbayad ng tuition... hindi ako kasali duon dahil hindi pa ako nagbabayad ng tuition fee... poor eh... hahaha... as i said.. kung last week hindi nagkaroon ng P.E. ngayon, actually kahapon eh wala parin... hindi ako nakapaglaro ng badminton... sayang naman pero ayus din dahil bayaran ng ticket sa uaap at for 2 consecutive weeks... walang pe so wala din bayad.. yehey... nung wednesday o kahapon... nagsuspend ng klase ang ched at deped... wala paring bago... late parin, tapos ang bwelta nila sa media, maaga pa daw silang nagsuspend dahil walang storm signal? waw ang galing naman ninyo... balak namin mag laro nila jems at jemil actually marami kami eh pero nag patila muna kami ng ulan dahil mababa lang naman ang baha... lulubog lang naman ang aming mga precious na sapatos.. kaya ayun buti nlng eh may dala si bonn na guitara na inayos namin ni jemil yung permit nung lunes ... parang sinanay nga kami para sa future kasi parang gobyerno na maraming pasikotsikot... pinagpasa pasahan kami na parang bola pero parang walang patutunguhan... ang akin lang kung gusto nilang hindi magpuslit ang mga estudyante ng mga kagamitan eh gawin nila na maikli ang proseso para lahat maengganyo na daanin sa legal hindi tulad ko na nag pupuslit ng computer speakers kapag kelangan o trip lng.... well tuloy... pag katapos namin na mag jamming eh lumabas na kami... jumping jupiter! baha... ang sabi ko para masaya dapat siguro imbis na payong ang dalhin eh tolda mara maramihan na ang sisilong... so ayun inaasahan na dadagsa ang mga estudyante sa mga computer shop para kumuha ng course na DOTA kaya ayun inabot kami ng ala-una sa paghihintay... napakain muna kami sa maan's (kung may bayad ang lahat ng endorsment ko sa mga international food chains ang yaman ko na siguro?) ayun kumain ako ng sobrang anghang na calderetang gulong dahil may mga laman na sobra sa kakunatan... tpos napalaro ... ayun nag laro nanaman ako sandali ng tiberium wars... sobrang cool. ang sarap sigurong maglaro... kaso hindi kaya ng cpu ko eh kaya ayun eto blog nlng...hmmmm... ay oo nga pala, napadaan kami sa sm manila at montik na mapakain sa central station ng shawarma... kaso holy macaroni baha parin... parang fish pand pero ang lumalangoy eh fishbols... kaya ayun nga napa balik ami at napakain sa maan's... ngayong araw eh nasa bahay lang ako tambay at nag oo2jam kaninang hapon naglaro kami ng badminton dahil kahit na suspendido ang klase eh walang ulan mahangin lng pero walang ulan... naglaro kami at sa isang hindi inaasahang pangyayari eh nasundot ang mata ko... ng isang dahon... putek na dahon yan parang engot lng... kaya ayun hanggang ngayon eh masakit parin ang mata ko....ouch para akong si homer... o men... nag aantay nlng ako ng balita para sa announcement ... kung tuloy ang plano ko eh mag shorts sa ilalim ng aking skul uniform at magdala ng sinelas...
ay nakalimutan ko tolda nlng... kaso poor lng kami eh... trapal nalng ang dadalhin ko....
ayun...
ARAY! ang sakit ng mata ko.... sana may humalik sa aking magandang babae para mawala ang sakit ng mata ko..
HAHAHA
ASA NLNG MUNA AKO>>
tapos na ang blog kaya ayun... hanggang dito nlng
<signed off>
No comments:
Post a Comment