umuulan, pumunta ako ngayon sa video city para ibalik yung mga hiniram kong vcd, 2 in total. on the way, nabilib ako sa improvement ng bagong banco de oro sa malapit sa may sunlife. astig dahil nagmukhang bago ang banco pero ganun parin naman ang mga tellers at mababait sila... well hindi sila ang sentro ng attention, nung malapit na ako sa video city, mayroon akong nakita na hindi ko kinaya. isang matandang lalaki, madumi at mukhang hindi pa kumakain. siya ay nakihiga sa harap, o malapit sa mismong loob ng rose pharmacy. nakahiga, i think he is cold. hindi na ma take yung scenery when i looked straight into his eyes. empty. tapos may nakita akong isang masayang-masaya na tanod yata o somewhat na nakikipagkwentuhan at nakita niya and NOTHING, nothing and some more of that. tapos ayun binalik ko ang vcd na hiniram ko at dumaan at tinignan ko ulit si manong. there's something na nakita ko sa kanya na hindi ko nakita sa ibang pulubi na nakita ko. he's unique, because may nakita ako sa mata niya. yung hirap lungkot at yung tipong naghihintay nalang siya sa kanyang kamatayan. there's nothing. i just walked. ang hirap ang bigat sa loob. kung may pera lang ako, nagbigay ako kahit kaunting pagkain, can someone kill me? call me what ever you want to say. tanggap ko dahil wala akong nagawa. i want to help pero wala akong maibigay, it's hard to see people like that lalo na kung wala kang magawa. maybe you can visualize but mas mahirap kung ikaw mismo ang makakakita. for now all i can offer him, is a little help. maybe sa mata ng ibang babasa nito wala naman yang magagawa, pero ito lang ang maibibigay ko ngayon, a prayer.
sana po makakain siya at maibsan kahit konting hirap sa kanyang sarili. sana kahit biskwit lang may magbigay. and lastly sori.
ayun sana hindi na maulit ang nangyari ngayon. sana ang mga nakakabasa nito ay hindi na mangyari sa kanila yung nangyari sa akin.
No comments:
Post a Comment