puto bungbong, bibingka, malamig na simoy ng hangin, christmas rush in finding good gifts, simbang gabi, christmas party and still many more.
these are the things that complete the spirit of christmas, but still, many are lacking something. maybe the warmth that comes enclosed with the spirit of christmas itself.
so last december 18, 2009. naganap yung infused bday nila arwin and lex and also, parang yung christmas party namin. kami kami lang. tawanan, may nadagdag, may mga hindi sumipot, may nagaway pa ata at may halong tampururut. the whole week itself, masaya kasi 2 christmas party eh. yung isa nung 12-05-09 pero kasama nung mga classmates ko sa design. no photos of it. maybe some. pero hindi ko pa din nakikita. anyweys, balik tayo noong 18. ok yung inuman sa juicemio ata ung pangalan nung restobar. ata. sulit. libre eh. inum, tawa, kwento, kain, soundtrip gamit ang i-touch ni tin and so on. nakadalawang bote lang ako ng san mig light. hindi naman kasi ako umiinom eh, and also i don't want to challenge myself to take it to the point na hindi ko alam kung ano ginagawa ko. 2 bottles = dizzy, kasabay ng pagkahilo ko yung fireworks sa moa...
medyo maaga ako umuwi. kailangan eh. kahit na gusto kong tumambay. may kasabay ako pauwi, kabado siya kasi race against time eh. tepok siya pag dating sa bahay. well, nahabol naman ata yung time and safe siya nakauwi. 9:15 to be exact... nakarating kami sa balwarte namin. siya umuwi na, ako dilemma pa din kung mag aanticipated simbang gabi.
magsisimba, uurong. nagtext na ako kay mama na mag aanticipated mass ako. so tumuloy na ako.
on the way inside the church, sa may gate nito. meron akong nakitang matanda. nakaupo sa side walk, may mga sakong dala. payat madungis.
diretso lang ako sa loob ng church. wala pang mass... cguro 9:30 pm yung mass... naghintay ako, pero hindi ako mapakali. parang binubulate yung pwet ko. then
sigh.
tumayo ako sa upuan. made the sign of the cross and genuflected. lumabas ako... at tumingin sa matanda. naghanap ako ng tindahan.
unang tindahan, sarado.
lakad lakad.
pangalawa... pabili nga po.... may tinapay po ba kayo?...
wala eh, biscuit lang.
pangatlo... may tinapay po ba kayo?...
wala eh
pangapat... malayo na ako sa simbahan...
naispatan ko ung tinapay sa magsasara ng tindahan.
magkano po sa ______
ito? _____ lang.
alam mo na ung ginawa ko.
umalis ako sa tindahan. bumalik sa simbahan, pero hindi sa loob. dun lang ako sa may labas. sa may gate...
'nay kumain na po ba kayo?
iling.
may kasama po ba kayo?
dyan lang kami sa may ______
ahhh...
binigay ko na... hindi ko na pinatagal yung suspense.
nay kainin niyo po yan malamig po ngayon.
tango
umalis na ako. pauwi.
nakatalikod na ako ng sambitin ni lola ang merry christmas. ako naman ngayon ang tumango.
alam kong may kasama siya. pero hindi ako sigurado kung sinu. medyo malapit lang sila pero malayo din. matanda na siya, malamig ang gabi. hindi ko alam yung ginawa ko. medyo nahihiya pa nga ako kasi medyo marami yung tao na dumadaan eh. hindi ako sanay na pinagsisigawan yung ginawa ko. pero bakit ko binlog? hindi ko din alam. para siguro may maiba lang.
akala ko nasa loob ng simbahan makikita yung hinahanap ko.
asa labas pala.
maraming dumadaan na parang wala lang. hindi ko naman alam kung ano yung tumatakbo sa mga isip nila. kung magbibigay din o hindi. hindi din ako sigurado sa pakiramdam ko. mabigat kasi na magaan eh.
pero pagkatapos nun. alam ko sa sarili ko na may naiba. kahit papaano.
naramdaman ko yung medyo pasko na feeling. kulang man. pero atleast mabuting umpisa siguro yun.